Ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan.
Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan.
Nanggaling ang salitang panitikan mula sa ‘pang|titik|an’, kung saan ikinabit ang unlaping pang- at hulaping -an sa ugat na titik. At ang titik ay nangangahulugang "literatura".
Mga uri ng Panitikan
- 1. Kathang Isip (FICTION) - ang mga manunulat ay gumagawa ng akda mula sa kanilang imahanisyon. Ang mga kuwento ay hindi totoo kagaya ng maikling kuwento, nobela at .
- 2. Hindi Kathang Isip (NON-FICTION) - ang mga panulat na batay sa tunay na pangyayari katulas ng talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay ang mga akdang pangkasaysayan.
Anyo ng Panitikan
- 1. Tuluyan o Prosa ( PROSE ) - Paggamit ng mga salita sa isang pangungusap na walang kinakailangang pagtutugma o pagbilang ng mga pantig upang magkaroon ng parehong tunog sa huli ng tauludtod.
- 2. Patula o Panulaan ( POETRY ) - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.
MGA AKDANG PAMPANITIKAN
Mga Akdang Tuluyan
- » Alamat
- » Anekdota
- » Nobela
- » Pabula
- » Parabula
- » Maikling kuwento
- » Dula
- » Pasaling Dula
- » Sanaysay
- » Talambuhay
- » Talumpati
- » Balita
- » Kuwentong bayan
- » Salawikain
- » Kasabihan
- » Mito
Mga Akdang Patula Mga Tulang Pasalaysay
- » Awit at Korido
- » Epiko
- » Balada
- » Sawikain
- » Salawikain
- » Bugtong
- » Soneto
- » Kantahin
- » Tanaga
- » Tula
Malaki ang kontribusiyon ng Panitikan sa Kasaysayan sapagkat dito natin makikita kung ano ang buhay ng mga tao noon. Sa pamamagitan ng mga tula, Nobela, Kantahin, o talumpati nalalaman kung ano ang obserbasiyon ng mga may-akda sa kanilang paligid at sa kanilang mga buhay.
Ang panitikan din ay nagsisilbing patunay sa mga pangyayari sa nakaraan. Tulad ng mga sulatin ni Jose Rizal na nagpapatunay sa kalupitan na sinapit ng mga Pilipino noong panahon ng Kastila.
Isang tradisiyonal o nakaugaliang paraan sa pagbasa at pagpapaliwanag ang mga tekstong pampanitikan. Isa itong metodong nagpapakita ng mga bagay, karanasan, at puwersang pangkasaysayan na nagbigay ng impluwensiya tungo sa paggawa, pagsulat, paghubog, at pag-unlad ng panitikan.