Tagalog Quotes Collection # 11


Mahal kita, mahal mo siya. Siya naman di ka kayang mahalin katulad ng pagmamahal ko sayo...tanga ka at siya naman, manhid....parang tayong dalawa...yun nga lang...ako yung tanga at ikaw naman yung manhid.

x
Ano ba 'to? ikaw na naman iniisip ko. Kaya ang hirap makatulog sa gabi eh, di kita makalimutan. Pero nakatulog din ako, alam mo kung paano? Sinabi ko sa sarili ko "Tanga, may mahal na yon...tulog ka na."

x
Mahirap umasa sa wala. Mahirap magmahal sa taong may ibang mahal. Mahirap ipagtanggol ang taong walang paki sa nararamdaman mo...at higit sa lahat, mahirap masaktan ng wala kang karapatan.

x
Sabi mo mahal mo ko, naniwala ako. Sabi mo hanggang katapusan tayo, umasa naman ako. Sabi mo di mo ako sasaktan, at nagtiwala ako sayo. pero bakit ganito, iniwan mo ako at niloko. pero okay lang, may magagawa pa ba ako? siguro lang talagang di ako para sayo.

x
Bakit ganito ang nararamdaman ko, sabi ko okay lang, kahit wala ka, kaya ko. sabi ko tigilan mo na ko dahil kaya kong wala ka. sabi ko walang kwenta sa kin ang nangyari sa tin...pero bakit ang sakit sakit ng nararamdaman ng puso kong nangungulila dahil sayo...bakit mahal pa rin kita?

x
I can't blame you if one day you'll walk out of my life but expect me to give up everything just to keep you in sight but if i fall, give me a chance to say, "Gagawin ko lahat, wag ka lang umalis"

x
Lahat ng tao nagbabago, lahat ng tao nagmamahal ng iba, lahat tayo masasaktan...iiwanan at kakalimutan...pero pag dumating sa kin ang araw na yon...pipilitin ko pa rin maalala yung araw na minahal mo ko.

x
Sabi mo di ka nanghihinayang na nawala siya sa'yo...o nagsisisi na iniwan ka niya, sa totoo lang, hindi ako naniniwala, dahil nakatulog ka'ng lumuluha sa tabi ko, habang pabulong kong sinasabi, "ako kaya iiyakan mo?"

x
when i first met you, i've said to myself "la lang 'to". but as time pass by and we became very close and trusted each other. I said to myself "kaw ang barkadang pangmatagalan".

x
This night, I wish you might take a look at the stars above you. One of them shall slowly fade and still you might never know…”sa milyong bituing nakikita mo, ano nga naman sa’yo kung mawala ako.

x
Bakit ganon di pala lahat ng akala mo totoo no? dahil akala ko di kita kailangan, akala ko di kita mamahalin pero mali pala ako at nung inaakala kong minamahal mo din ako…ni minsan di pala nagkatotoo.

x
Lam mo ba na mahal pa rin kita? Lam mo ba na ngayon pinagdarasal kong tawagan mo ko? Lam mo bang ang bigat ng pakiramdam ko kakaisip sayo? Syempre hindi di ba? Dhel wala ka namang ibang alam kundi saktan ako.

x
Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Hindi ko alam kung ano ginawa mo. Hindi ko alam kung bakit ikaw and pinili ko. Pero ito lang ang alam kong totoo, ikaw lang ang minahal ko ng ganito.

x
nalungkot ka, nag-joke ako. tumawa ka, tumawa ko, may problema ka, joke ulit ako, tawa ka, tawa ko...nagalit ka joke pa rin ako, tawa ka, tawa ako. sinabi kong mahal kita, kala mo joke, tumawa ka, naiyak ako.

x
sabi nila mahal daw kita kse pangalan mo daw parati kong binabanggit, parati daw akong masaya pag andyan ka. sabi nila aminin ko na daw syo, pero sabi ko "saka na lang, pag mahal na din nya ako".

x
nang iniwan kita, kala ko sasaya ka...kala ko sa piling nya liligaya ka...kala mo ba ginawa ko 'to dahil gusto ko? di mo lang alam ginawa ko 'to dahil mahal kita higit pa sa buhay ko.

x
mahal mo siya kaya siya lang nakikita mo, di ko naman pwedeng pagpilitan sarili ko sa di ako mahal di ba? pero bakit ganon kahit mukha na kong tanga habang minamahal mo sya, bakit mahal pa rin kita?

x
nabangga mo ko at nadapa ako, minahal kita pero pinaluha mo ko, ginawa mo yon dahil mahal mo pa pala sya, sa pagmamadali mo, di mo man lang narinig ang sinabi ko, " sandali lang, mahal pa kita".

x
nakita mo ko kausap ko sya, kala mo sya na ang mahal ko. nakita mo ko hawak ko kamay nya, kala mo tinalikuran na kita, ang di mo alam nagpapaalam ako dahil mas pinili kita kaysa sa kanya.

x
magmahal? yoko na yata. minsan na akong nagmahal, at sa minsan na yon, niloko pa ako...minahal ko sya, pero bakit ganon? di ko matanggap, dalawa pala kaming mahal nya. masakit, alam mo kung bakit? kasi mas mahal nya yung isa.
Previous Post
Next Post
Related Posts