Tagalog Quotes Collection # 14
July 22, 2009
Tags:
Tagalog Quotes
alam mo noong nagkita tayo at nakilala kita, umisip ako ng mga paraan kung pano mapapalapit sa'yo. Hanggang magsimula na akong tumawag at hanggang naging TAYO! Noong naging tayo, natakot akong baka magbago ka. Ngayong sobrang mahal kita... mahal na mahal... natatakot naman akong mawala ka.
x
minsan na ko nagmahal, minsan na din nasaktan, minsan nang naging tanga, dahil minsan minahal kita.. papayagan ko pa ba maulit? bakit hindi? e minsan lang ako naging masaya, nang mahalin ka..
x
pag wala na ko, siguro di yun kawalan sayo, di yun makakaapekto sayo. pero gusto ko lang malaman mo... lungkot ako.. bakit?kse wala ka ginawa, hinayaan mo lang ako mawala..
x
nasaktan ka ba nung malaman mong may mahal siyang iba? sana nga andun ako. nabulong ko sana. "yan din yun naramdaman ko.. nung sinabi mo na kayo na pla.."
x
takot ako na mawala ka.. di ko alam kung bakit.. di sa hindi ako mabubuhay ng wala ka.. kundi,takot ako dumating ang araw.. na mahal pa rin kta kahit wala ka na..
x
pumayag akong mawala ka dahil dun ka masaya... pumayag akong masaktan dahil dun ka masaya... pumayag akong umiyak dahil dun ka masaya... napilitan akong pumayag kse alam ko sa iba ka sasaya..
x
ng di ko aminin na mahal kita akala ko naisahan kita. pero mali pala ako, dahil ng magpasya kang layuan ako, dala dala mo ang puso ko!!
x
di naman ako umaasang mahalin mo ako,okey lang naman sa akin kung ayaw mo talaga,pero sana wag mo naman ipamukha sa akin kung gaano mo sya kamahal kasi ang sakit e... ang sakit - sakit... :(
x
Sabi mo, mahal mo ko. Sabi mo rin seryoso ka. Nag-promise ka pa nga di ba? O, yun naman pala eh. Pero bakit hindi tayo? Ah, siguro, kasi nandyan siya? At mahal mo pa rin siya, di ba?
x
miss ko na mga oras na magkasama tayo, yung mga kwentuhan natin at kulitan... gusto ulit kitang makasama, paano na yan?, kailangan pa ba kitang ipagpaalam sa kanya kahit na dati'y akin ka?!?!
x
minsan badtrip magmahal... bigay ka ng bigay pero kulang pa din...magpapa katanga ka, iiyak... ikaw ang iiwas pero kaw din msasaktan, hintay ka ng hintay pero kaw din iiwan...:(
x
MINAHAL? sino ikaw? sino nagmahal? ako?! pwede ba! ang sakit ng ginawa mo tapos iisipin mo na minahal kita? kahit kailan di kita minahal,tanga lang talaga ako,kasi hanggang ngayon mahal kita
x
nanaginip ako..namatay daw tayo..sabi ng Diyos isa lang ang makakapunta sa langit, isa lang sa impyerno, pinili ko mapunta sa impyerno kasi nung buhay tayo ginawa mo ng langit ang buhay ko!!!!
x
Mahaba na pinagsamahan natin dahil dun napamahal ka na sa 'kin...matagal na y un! kya di ko na natago ang aking nadarama....nakita kita malungkot,nag-iisa,,,sasabihin ko na sana e....kaya lang sabi mo "lam mo mis ko na sya"......
x
ilang beses ko bang sasabhin sayo..na kahit ano'ng gawin mo, di ka mamahalin nyan..dahil meron siyang mahal na iba..iiyakan mo lang siya at masasaktan ka lang..bakit ko alam? siyempre...minahal kita e
x
Sa buhay di mahalaga kung mahal ka ng mahal mo...basta importante mahal mo siya at masaya ka kapag nakikita mo siya..! kahit na may kasama sya na di ikaw kundi IBA!
x
I really want to be close to you..close enough that in time, i'll just hold your hand and without saying anything, you know im saying something like this; "dito ka lang, hindi ko kayang mawala ka."
x
kunwari, masaya ako...kunwari, ok ako...kunwari, wala akong problema...kunwari, nasa langit ako... ok lng ba kung isipin ko'ng kunwari mahal mo 'ko? kunwari lang naman eh.:)
x
Once nagmahal ako. Minahal ko siya ng sobra. Halos ibigay ko na ang lahat para sa kanya. Nagpakatanga ako na parang bale wala. Tinutulungan ko siya na magcourt pero nasasaktan ako. Mahal ko siya sobra. Ako ang tulay everytime na nanliligaw siya.
x
bakit ganon? noon sabi mo maghintay ako kasi meron pang 'kayo'...ako naman naghintay nga..nung wala na kayo ngumiti ka at akaLa ko meron ng 'tayo',yun pala may iba at bagong 'kayo' na...