Ang Lupang Hinirang ay ang pambansang awit ng Pilipinas
* Ito ay inuo ni Julian Felipe ang himig nuong 1898 at ang mga titik ng awit naman ay inangkop mula sa tulang Filipinas na isinulat ni Jose Palma sa wikang Kastila nuong 1899.
* Nagsimula ito bilang isang martsang pang-instrumental na ipinag-atas ni Emilio Aguinaldo na gamitin sa pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya.
* Marcha Filipina Magdalo ang unang pangalan nito ngunit binago at naging Marcha Nacional Filipina matapos hirangin ito bilang pambansang awit ng Unang Republika ng Pilipinas.
* Una itong tinugtog ng bandang San Francisco De Malabon sa araw ng pagpapahayag ng kalayaan noong Hunyo 12, 1898. Ang mga titik ng awit ay idinagdag na lamang matapos isulat ni Jose Palma ang tulang Filipinas nuong Agosto 1899.
* Naisipan ng pamahalaang kolonyal ng Estados Unidos noong dekada 1920 na isalin ang pambansang awit sa Ingles mula sa Kastila matapos na mapawalang bisa ang Flag Law.
* Ang pinaka-tanyag na pagsasalin ay ang "Philippine Hymn" na ginawa nina Senador Camilo Osias at isang Amerikano na si Mary A. Lane.
* Ito ang ginawang opisyal na pagsasalin ng Kapulungan ng Pilipinas noong 1938.
* Ang mga pagsasalin ng pambansang awit sa Tagalog ay ginawa noong dekada 1940.
* Ang pinaka-tanyag sa mga salin na ito ay ang O Sintang Lupa na sinulat ni Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos at Francisco Caballo.
* Ito ang naging pambansang awit noong 1948.
* Nagbuo naman ng komisyon ang Kalihim ng Edukasyon na si Gregorio Hernandez upang baguhin ang mga salitang Tagalog ng pambansang awit noong panunungkulan ni Pangulong Ramon Magsaysay.
* Naging bunga nito ang pambansang awit na Lupang Hinirang na unang inawit nuong Mayo 26, 1956.
* May mga kaunti pang mga pagbabago ang idinagdag nuong 1962 na ginagamit hanggang sa kasalukuyan.
Lupang Hinirang
Bayang magiliw
Perlas ng silanganan
Alab ng puso sa dibdib mo’y buhay
Lupang Hinirang, duyan ka ng magiting
Sa manlulupig, di ka pasisiil
Sa dagat at bundok na simoy
At sa langit mong bughaw
May dilag ng watawat mo’y
Tagumpay na nagnininging
Ang bituin at araw niyan
Kailan pa ma’y di magdidilim
Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta
Buhay ay langit sa piling mo
Aming ligaya nang pag may mang-aapi
Ang mamatay ng dahil sa iyo