Manila Police Scandal

Binulaga ang Manila Police District (MPD) headquarters ng sex scandal makaraang magsampa ng reklamo ang isang 30-anyos na ginang laban sa isang pulisMaynila na umano'y gumahasa sa kanya matapos arestuhin sa kasong bagansya.
Bisperas pa umano ng Bagong Taon nangyari ang insidente sa loob ng tanggapan ng MPD-Integrity Task Force, subalit sa hindi pa malinaw na dahilan ay ka hapon lamang nagsampa ng reklamo sa General Assignment Section ang ginang na itinago sa pangalang Gina, isang vendor.

Hindi naman lumulutang pa ang pulis na kinilalang si PO3 Antonio Bautista, nakatalaga sa District Intelligence and Investigation Division.

Sa salaysay ng ginang, naglalakad umano sila ng kanyang live-in partner dakong alas-singko ng madaling-araw noong Disyembre 31 sa Carriedo St., Sta. Cruz, Maynila nang magpaalam ang kinakasama na bibili muna ng kape.

Habang hinihintay ang live-in partner, may tumigil sa kanyang harapan na naka-unipormeng pulis na sakay ng motorsiklo at kasunod nito ang isang tricycle na minamaneho ng isang lalaki na nakasuot ng "Press" na may sakay na dalawang babae.

Sinabihan umano si Gina ng lalaking sakay ng tricycle na inaaresto siya sa kasong bagansya at pinasasama sa headquarters. Una'y tumangging ang ginang, subalit sinabihan umano siyang sa puli sya na lamang magpaliwanag kung kaya't napilitang sumama na lamang dahil na rin sa takot.

Pagdating sa MPD headquarters, isa sa dalawang babae na sakay ng tricycle ang pinalaya habang naiwan umano ang ginang na dinala sa Integrity Task Force at doon nagpakilala na umano ang pulis.

Ipinakita umano sa kanya ang walang laman na selda at sinabihan na makukulong hanggang January 3 kung walang maibibigay.
Hiningi pa umano ni Bautista ang kanyang wallet na may laman na P4,000 cash at kinuha ang pera. Kasunod nito, pinahiga umano siya sa lamesa at doon ginahasa at sinabihan pa umano na huwag maingay dahil magigising "si colonel". Natigil lang umano ang pang-aabuso kay Gina nang dumating ang livein partner nito.

Nakaalis din umano sila, subalit bumalik din para sana magsampa ng kaso subalit sa `di maipaliwanag na dahilan ay hindi ito natuloy. Kahapon, bumalik ulit ang ginang at itinuloy ang kanyang reklamo.

source:dyaryoboy.com
Previous Post
Next Post
Related Posts