Pabula
November 19, 2011
Tags:
Panitikan
Ang pabula (Ingles: fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.
Mga Halimbawa ng Pabula:
Ang Palaka at Ang Kalabaw
Ang Aso at Ang Pusa
Ang Palaka at Ang Uwang
Ang Pulong ng mga Hayop
Ang Kwento ng Alitaptap
Ang Kwento ng Baboy Ramo
Ang Kwento ng Balang
Ang Kwento ng Kalabaw
Ang Kwento ng Maya
Ang Buwaya at Ang Tusong Matsing