Asawa


Isang taxi driver si juan. Isang araw, habang nakapark siya sa harap ng isang radio station ay may lalaking lumapit sa kanya.

LALAKE: Manong hatid mo naman ako oh, sa libertad pasay lang sa harap ng puregold.

JUAN: Oh, sige po sir, sakay na po kayo.

Habang bumibyahe sila ay nakita ng lalake ang kanyang asawa na pumasok sa isang hotel na may kaakbay na isang lalake..Pinahinto niya si juan.

LALAKE: Alam ko. Gusto mo bang kumita ng 20,000 pesos ngaun

JUAN: (natawa) ho? Syempre naman po. Bakit?

LALAKE: Pwes bibigyan kita! Pumasok ka lang sa hotel na yan at kaladkarin mo hawak sa buhok palabas ang asawa ko at dalhin mo dito. Heto ang litrato nya!

Agad pumasok sa hotel si juan. ilang sandali pa ay lumabas siyang may kinakaladkad na babae. Pinagsisipa nya pa ito at pinagsusuntok sa tiyan! Pagdating sa taxi.

LALAKE: Jusko! Ba't mo naman ginulpi? At tsaka, hala! Hindi yan ang asawa ko!

JUAN: Alam ko sir! Asawa ko yan! Hawakan mo muna at babalikan ko pa ang sayo!
Previous Post
Next Post
Related Posts