Kapanahunang Mesozoic ang pumalit sa kapanahunang Paleozoic. Ang Mesozoic ay nahahati sa mga panahong Triassiz, Jurassic, at Cretaceous. Sa komiks makikilala ninyo ang Triassic bilang panahon nina Barok, pamilyang Flintstone, ang mga tinatawag na taong-kuweba. Dito unang lumabas ang mga dinosaur, kasama ang mga reptilyang lumilipad tulad ng mga pterodactyl, at lumalangoy tulad ng mga buwaya at pagong, at ang mga halamang kahawig ng palmera.
Noong panahon ng Jurassic, lalo pang tumigas ang balat at higit pang lumaki ang mga dinosaur kaya’t lalo silang nagging mapanganib. Subalit nang matapos na ang panahong Cretaceous, nagkamatay at nawala na ang mga ito. Noong Cretaceous din tumaas ang tubig sa mga dagat kaya’t nahati at nagkahiwa-hiwalay ang sangkalupaan. Lumitaw rin ang mga bundok at mga bulkan noong panahong iyon. May teorya na kaya nangamatay ang maraming nilalang ay dahil sa alikabok at nakalalasong buhag na kumalat sa paglitaw ng mga bundok at bulkan mula sa lupa.
Mesozoic
July 04, 2009
Tags:
History