Ang Bagong Panahon ng Bato (New Stone Age) o Neolithic ay nagsimula banding 4000 hanggang 3000 B.K. Ang mga pangunahin nitong katangian ay ang pagkakaroon ng agrikultura, mga alagang hayop, mga banga, paso, palayok, at iba pang kasangkapang kahawig nito, at makikinis na kagamitang yari sa bato.
Ang mga katangiang ito ng bagong Panahon ng Bato ang nagging dahilan naman upang ang tao ay tumigil sa kalalaboy at magsimulang magtanim ng makakain, lumaki ang populasyon, magkaroon ng mga bagong pamayanan, magkaroon ng oras ang tao para sa pag-iisip at pag-iimbento, umunlad ang malalaking pamayanan, at magkaroon ng higit na masasalimuot na mga organisasyong panlipunan.
Ang kulturang pansakahan ng Bagong Panahon ng Bato ay nagsimula sa Timog Asya, at lumaganap mula rito patungo sa ibang bahagi ng Asya, sa Aprika, at sa Europa, subalit hindi sa Amerika. Sa Mesapotamia, Palestina, Syria, at Egipto umunlad nang mabuti ang agrikultura at paghahayupan noon pa mang mga 4000 B.K. Ilan sa mga alagang hayop ng mga tao rito ay mga baboy, kambing, tupa, at baka.
Sa kabilang dako, lahat ng bakas ng Bagong Panahon ng Bato ay tinatayang naiwan sa Europa noong banding 3000 o 2500 B.K. lamang.
Panahong Neolithic (New Stone Age)
July 04, 2009
Tags:
History