Panahon ng Asero (Iron Age)
July 04, 2009
Tags:
History
Mayroong nagsasabing bago pa man sumapit ang 2500 B.K. ay mayroon nang nagtutunaw ng mga dukalin (ore) upang gawing asero o bakal sa Mesopotamia. Subalit ang Panahon ng Asero ay karaniwang inilalagay ang simula sa petsang 1000 B.K., nang tuluyan na nitong mapalitan ang tanso bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng mga kagamitan at sandata ng mga tao. Sa Asya Minor unang sinimulang gamitin ang asero noong 1400 B.K., at sa Austria sa Europa noong banding 1100 o 1000 B.K. Sa ilang bahagi ng Asya at Aprika, hindi ginamit ang asero kundi noong makalipas pa ang ilang dantaon matapos na ito ay masimulang gamitin sa Mesopotamia. Sa Amerika naman, dumating ang asero at nagging bahagi ng kultura doon nang dalhin lamang ito doon ng mga Europeo noong taong 1500 hanggang 1600 P.K. (panahon ni Kristo).