Panahon ng Tanso (Bronze Age)
July 04, 2009
Tags:
History
Sa bayan ng Sumer sa Mesopotamia unang ginamit ang tanso noong banding 3500 B.K. bilang materyales sa paggawa ng mga kagamitan at sandata. Ang mga sangkap na ginamit upang makagawa ng tanso ay hinuhulaang nagmula sa mga bundok sa Asya Minor (ang kasalukuyang Turkiya), Armenia, at Caucasia. Noong 3000 B.K., laganap na ang paggamit ng tanso sa mga lugar na ito sa Timog-Kanlurang Asya. Sa Europa, nauso ang tanso noong mga 2000 B.K. Sa Tsina man ay sumikat ang paggamit nito, lalo na sa banding hilaga, sa pagitan ng 1700 hanggang 1000 B.K. Gayunman hindi sa lahat ng bahagi ng mundo ay nagkaroon ng tinatawag na Panahon ng Tanso.