Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino, na nakuha natin mula sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat taludtod at may apat na taludtod sa isang saknong. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula.
Awit (sadyang para awitin) Korido (sadyang para basahin)
1.Sukat ng Awit: tig-12 pantig ang bawat taludtod / Sukat ng Korido: tig-8 pantig ang bawat taludtod
2.Himig ng Awit: mabagal, banayad o andante kung tawagin / Himig ng Korido: mabilis o allegro.
3.Pagkamakatotohanan ng Awit: ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay maaring maganap sa tunay na buhay/ Pagkamatotohanan ng Korido: ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay di maaring maganap sa tunay na buhay.
Halimbawa ng Korido:
- Ibong Adarna
- Prinsipe Orentis ni Jose Dela Cruz
- Rodrigo de Villa ni Jose dela Cruz
- Doña Ines ni Ananias Zorilla
- Don Juan Tiñoso at Ang Haring Patay
- Florante at Laura ni Francisco Balagtas
- Buhay ni Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona
- Doce Pares na kaharian ng Francia ni Jose Dela Cruz
- Salita at Buhay ni Mariang Alimango
- Prinsipe Igmidio at Prinsesa Clariana