16 Different Type of Boyfriends

1. JAMES BOND – mga klaseng boyfriend the chickboy, talagang mahilig sa babae. Ito yung klaseng boyfriend na parating nagbibigay ng sakit ng ulo sa kanilang mga girlfriend. Madalas lumuwa ang mga mata niyan pag may sexing babaeng nakikita.

2. PASTOR ELY – mga boyfriend na hindi makabasag ng pinggan, kadalasang mababait at parang pastor na nangangaral sa mga tao. Madalas niyang pangaralan ang kanyang girlfriend tungkol sa mabubuting salita ng Panginoon. Very endangered ang mga Pastor Ely, kaunting-kaunti lang sila pero magaling humawak ng relasyon.

3. COMMANDER ROBOT – mga boyfriend na seloso, over protective, at paladikta sa kanyang girlfriend. Yung tipong ayaw niyang padapuin yung kanyang GF sa ibang tao. Palagi siyang nakabuntot at binabantayan ang bawat kilos ng kanyang GF. Madalas nasisira agad ang isang relasyon kapag ang lalaki ay Commander Robot.

4. BED-KING – mga boyfriend na kaya lamang gustong magka-girlfriend ay upang gawing pampalipas-oras. Mga boyfriend na masyadong ma-L. Palaging gustong matulog kasama ang kanyang GF. Sexually adventurous si bed-king at hindi ideal ng mga Maria-Clara style na babae.

5. CRISOSTOMO IBARRA – mga boyfriend na masyadong matatalino. Palaging pinaglalaban ang kanyang mga karapatan. Minsan ginagamit ang katalinuhan upang mang-akit ng girls. Palaban, madalas isinisingit ang kayang rights as BF. Kadalasan ito ang mga boyfriend na walang gaanong looks pero dinadaan sa utak ang pagsuyo sa babae. Masyado ring mapalabok ang kanyang sinasabi – yung tipong matalinhaga at para kang magkaka-nose bleed pang kinausap mo.

6. COCO-LOCO – mga lalaking kinababaliwan dahil gwapo, may looks, kaya nga loco. Yun nga lang medyo matu-turn-off ka dahil kung ano ang guwapo niya siya namang kawalan ng utak. Mga BF na sumusunod lang sa agos, walang alam sa buhay. Walang talino in short. Coco dahil parang empty coconut shell ang utak.Madalas ang GF ang sumasalo ng lahat ng problema kapag may problemang dumating sa kanilang relasyon.

7. UTO-UTO – from the word itself. Ito yung mga BF na madaling lokohin, bigay-kaya kahit na alam na niyang niloloko siya. Madalas mahiyain ang mga Uto-uto. Hindi makahindi sa mga girls. Kapag ikaw ang GF niya, madalas ka ring magka-migraine dahil kahit na pangaralan mo e tuloy-tuloy pa rin sa pagpapaloko.

8. MR. EASY-GO-LUCKY – mga BF na kaya lamang nabuhay sa mundo e para mag-bunjee jumping at kumain. Mga walang alam sa buhay, tamad, at sumusunod sa agos. May talino ang mga ito, unlike sa mga coco-loco, ngunit hindi ginagamit ng husto. Mabisyo rin ang ganitong type ng BF. Laging may hithit na sigarilyo, laging nasa inuman, laging nasa lakwatsahan. Kung ikaw ang GF, iniexpect niya lagi kang sasama sa kanyang mga gimmicks. Palatandaan ng mga ganitong BF: palaging kasama ang kanyang mga ka-tropa.

9. ECONOMISTA – mga BF na nakakaimbiyerna hindi dahil pangit ang ugali niya, kundi masyadong BARAT, KURIPOT, at WAIS. Ito yung tipo ng BF na kapag kakain kayo sa labas e sa karinderya ka ibabagsak, o sa tindahan ng kwek-kwek. Less romantic ang mga ganitong BF dahil kapag mag-de-date kayo e laging KKB as in KANYA-KANYANG BAYAD. Masinop sa pera, madalas siyang magbigay ng mga regalo na mabibili lang sa Divisoria, buy-one-take-one pa! Ito yung tipong BF na mas mahalaga pa ang pera kaysa sa kanyang GF.

10. ROADRUNNER - mga BF na bigay-kaya ngunit wais. Mabilis pagdating sa persistence. Ito yung BF na mabilis pa sa alas-kuwatro pag susunduin niya ang GF sa school man o sa trabaho. Bigay-kaya in a sense na madalas siyang may regalo sa kanyang GF, yung tipong nakatatak na sa utak niya kung kailan ang birthday mo, monthsary ninyo, birthday ng nanay mo, tatay mo, blah-blah. Pero may limitasyon din itong si Road runner dahil pag nag-break kayo, sisingilin niyang lahat ang mga naibigay niya sa iyo.

11. SALAWAHAN - very very very basic. Mga BF na mahilig sa girls, kung magka-girlfriend e dalawa. Minsan 3. Minsan 4. Mga traydor, palihim na sumisimple sa GF at naghahanap ng panibagong GF. Madalas pinagsasabay ng mga ganitong BF ang dalawa o higit pang relasyon. Madalas itong magbigay ng sakit ng ulo sa GF lalo na kung selosa ang una. Katulad siya ni James Bond, in short, pero ang Salawahan talagang lantaran sa panloloko sa kanyang GF. Ang mga James Bond naman, on the other hand, ay madalas ligaw-tingin lang sa makikita niyang sexy girls. Pero ang Salawahan, gagawin niya ang lahat para lamang mapasakanya ang mga babaeng nais niya.

12. MR. DREAMBOY - mga BF na masyadong sweet, caring, maalalahanin, thoughtful at parang tutang sunud-sunuran sa GF. Ito yung mga BF na under-de-saya. Sinasamba ang kanyang GF, in short. Ito yung mga BF na madalas tanungin ang kanyang GF kung kumain na ito, kung naiinitan ito, kung nalulungkot ito blah-blah. Pero kung ako ang GF, medyo maaasiwa ako sa mga Mr. Dreamboy dahil para itong tutang susunod-sunod sa iyo. Kulang na lang dilaan ang pwet mo kung tatantiyahin mo kung paano ka niya sambahin. Perfect na sana si Mr. Dreamboy, yun nga lang medyo nakakaasiwa.

13. RICHIE-RICH – ito yung mga BF na hambog, mayabang kasi nga mayaman-rich! Madalas maporma at laging new-wave. Kapag susunduin ang GF laging naka-wheels. Minsan Inglisero, minsan Pilipinong-Pilipino, minsan alien. Elite, maituturing siyang kabilang sa conyo sector. Yun nga lang maiimbiyerna ng kaunti ang GF dahil masyadong paistariray ang mga Richie-rich, gusto palaging bida. Kung mahal talaga ito ng GF, maaasar siya ng kaunti. Kung pera lang ang habol ng GF, wala lang sa kanya

14. MR. NICE GUY – mga BF na masyadong matindi ang sense of humor. Mga one-liner at joker kaya madalas sumakit ang tiyan ng GF dahil sa katatawa. Parang Easy-go-lucky, medyo nakikiagos lang sa sitwasyon. Minsan papansin din si Mr. Nice Guy pero hindi ka nga maaasar sa halip matatawa ka lang sa kanya.

15. PAPA BORI – opposite ng Mr. Nice guy. Mga BF na BULOK ang sense of humor. Madalas tahimik, borrrriiiiiing, at corny. Heto yung tipong BF na parang may sariling mundo, minsan parang may dinadaluhang lamay gabi-gabi kung tatantsahin mo ang kanyang pagiging boring. Masyado ring problematic si Papa Bori at mahirap pakisamahan. Madalas na rin siyang nabasted dahil sa kanyang ugali.

16. PAPA BORITO – parang Papa Bori, salat sa sense of humor, tahimik, boring, corny pero hindi problematic. Para lang siyang may sariling mundo. Pero madali siyang pakisamahan. Mahiyain, medyo madaling bolahin itong si Papa Borito kaysa kay Papa Bori na parang laging galit sa mundo. Madaling pakisamahan ang Papa Borito at kung ikaw ang GF, medyo pagtiisan mo ang pagiging tahimik niya.

- SO, ANONG KLASE SIYANG BOYFRIEND? OR ANONG KLASE KANG BOYFRIEND? ;))
Previous Post
Next Post
Related Posts